Freeze order vs 26 indibidwal, hiniling ng DPWH sa AMLC

Humiling ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ipa-freeze ang mga luxury vehicle ng mga personalidad na sangkot sa umano’y flood control project scam.

Sa press conference kanina, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na sumulat ito sa AMLC kaugnay sa pagpapa-freeze sa โ‚ฑ474,483,120 kabuuang halaga ng mga sasakyang pagmamay-ari ng 26 indibidwal sa gitna ng imbestigasyon ng pamahalaan.

Kabilang sa inilabas na listahan ay ang mag-asawang Discaya, dating DPWH District Engineer Henry Alcantara, Assistant Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Matatandaang isinuko na ni Hernandez ang isa sa kanyang mga luxury vehicle sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) noong nakaraang linggo.

Samantala, nagbabala naman si Dizon sa publiko na iwasan ang pakikipag-transaksyon sa pagbili ng sasakyan mula sa mga ito.

Layunin ng freeze order na maiwasang mabenta pa sa iba ang mga ari-arian na posibleng nagamit sa ilegal na aktibidad. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via DPWH

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *