Isko Moreno, nakikiramay sa pamilya ng namatay noong Sept 21 Rally

Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno ang pakikiramay sa namatay noong Setyembre 21 Rally.

Nakikiramay umano ang alkalde sa pamilya ng 15 anyos na grade 10 student na biktima na si Justin Serbio na idineklara namang dead-on-arrival matapos ang insidente.

Kaugnay nito, sumuko ang suspek sa Barbosa Polics Station na kinilalang si Richard Francisco, 52-anyos, isang watch technician.

Saad ng suspek na nang makita ang grupo ng mga kabataan na itinutumba motor sa labas ng kaniyang shop, nandilim umano ang kaniyang paningin.

Case Knife o pambukas ng relo na natukoy na armas na ginamit sa paggawa ng krimen.

Dagdag pa ng suspek, na pinagsisisihan niya ang kaniyang nagawa.

Paalala ni Moreno sa mga kabataan na makinig sa magulang, umiwas sa gulo at ‘wag ilagay ang batas sa sariling mga kamay.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiyaa na ng Manila Police District Homicide Section. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photos via Manila PIO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *