Ilang mambabatas, itinanggi pagkakasangkot sa flood control project scam

Mariing itinanggi ng mga nadawit sa salaysay ni dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara na sangkot sila sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Sa pagdinig ng Senado nitong Martes, September 23, binanggit ni Alcantara na nakikinabang sa mga kickback sa kanilang proyekto ang ilang mambabatas tulad nina dating Sen. Bong Revilla, Sen. Joel Villanueva, Sen. Jinggoy Estrada, dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon at Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Una nang itinanggi nina Villanueva at Estrada ang akusasyon.

Sa sesyon ng Senado nitong Martes, sinabi ni Villanueva na handa siyang maimbestigahan kaugnay sa mga alegasyon laban sa kanya.

Tulad ni Villanueva, handa ring harapin ni Estrada ang mga akusasyon sa kanya.

Samantala, sa isang pahayag pinabulaanan ni Revilla ang pagkakasangkot umano sa anomalya at sinabing wala siyang kinalaman dito.

Tinawag naman na false at baseless ni Co ang mga alegasyon at ito ay kanyang haharapin sa tamang panahon.

Sa kabila nito, inirekomenda pa rin ng NBI ang pagsasampa ng kaso sa sangkot sa flood control project scam. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via Senate PH

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *