Kinumpirma ng Coast Guard Station sa Sta. Ana na 13 na mangingisda ang sakay ng bangka na tumaob nang dahil sa malalakas na alon at bugso ng hangin na dala ng pananalasa ng Super Typhoon Nando.



Ayon sa inisyal na operasyon, dalawa ang kumpirmadong nasawi habang anim ang nailigtas na mangingisda na agad namang dinala sa Saint Anthony Hospital para sa agarang lunas. Samantala, limang biktima pa ang patuloy na hinahanap ng mga coast guard.



Batay sa imbestigasyon, nakadaong ang bangkang sinasakyan ng 13 na mangingisda nang bigla itong hampasin ng malalakas na alon na naging dahilan upang ito’y mawalan ng balanse at tuluyang tumaob.
Patuloy pa rin ang operasyon ng Sta. Ana Coast Guard Station, Coast Guard Special Operations Group Divers, at Coast Guard Medical Team upang hanapin ang nawawala pang mga biktima. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via Cagayan PIO
#D8TVNews #D8TV
