Filipino tennis star Alex Eala sisimulan na ang kampanya sa Jingsha Open sa China ngayong Martes matapos ma-delay ng isang araw.
Top seed si Eala at makakaharap niya si Aliona Falei ng Belarus, No. 322 sa world rankings, sa alas-10 ng umaga. Pinaka-paborito si Eala, na nasa World No. 58, at siya ang inaasahang tatanghal na kampeon sa 125-tier tournament na ito.
Kung tatalunin niya si Falei, haharapin niya sa round of 16 ang mananalo kina Mei Yamaguchi (No. 268, Japan) o Hong Yi Cody Wong (No. 229, Hong Kong). Tumataya si Eala para sa kanyang ikalawang WTA title, na may katapat na 160 ranking points at premyong $15,500 (P8.8M).
Bago ito, huling naglaro si Eala sa Sao Paulo Open sa Brazil, kung saan umabot siya sa quarterfinals at kumita ng mahigit P389,000. Pero mas malaking highlight ang kanyang unang WTA title win sa Guadalajara 125 Open sa Mexico ngayong buwan, kung saan tinalo niya ang Hungarian na si Panna Udvardy sa finals. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via AP
#D8TVNews #D8TV
