Mga Palaweno, nag-prayer rally kontra korupsyon

May pag-asa pa ba?, ‘yan ang tanong ng daan-daang lumahok sa prayer rally laban sa korapsyon sa Puerto Princesa, Palawan kahapon.

Pinangunahan ni Fr. Eugene Elivera ang pagtitipon sa Seminario de San Jose, kung saan nagtipon ang mga estudyante, guro, at residente na karamihan ay nakaputi. Pahayag nila sawang-sawa na sila sa paulit-ulit na katiwalian, gaya ng isyu sa flood control projects.

Maging ang pork barrel scam, kasama sa kanilang hinaing na muling binanggit ng isang taga roon, maliit na isda lamang umano ang tunay na napanagot.

Samantala, nagkaisa ang mga religious leaders mula Catholic, Methodist, at Evangelical groups sa panalangin para sa mabuting pamamahala.

Dagdag pa rito, lumagda ang mga dumalo sa Apostolic Vicariate bilang panata ng suporta umano laban sa korapsyon. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via San Antonio De Padua Quasi Parish Youth Ministry/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *