Sa harap ng home crowd, nagpasiklab si EJ Obiena matapos makuha ang ginto sa World Pole Vault Challenge sa Ayala Triangle Gardens, Makati.
Tumalon siya ng 5.80 meters sa loob lang ng dalawang attempt, tinalo si Thibault Collet ng France via countback. Bronze naman si Piotr Lisek ng Poland sa 5.60m.
Hindi nakapasok sa second phase si Hokett Delos Santos, ang isa pang Pinoy bet. Samantala, umatras si Ben Broeders ng Germany dahil sa back spasms.
Matamis ang panalo para kay Obiena matapos ang kanyang mabigat na pagkatalo sa World Athletics Championships sa Tokyo kung saan hindi siya umabot sa finals. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via EJ Obiena/Facebook
#D8TVNews #D8TV
