Sinisikap lutasin ng Iloilo province ang kakulangan ng 1,655 silid-aralan sa mga pampublikong paaralan, ayon kay Gov. Arthur Defensor Jr. na nanawagan ng agarang aksyon kasama ang Department of Education (DepEd).
Bukod dito, nasa 7,279 silid-aralan pa ang kailangan ng malalaking pagkukumpuni.
Prayoridad ng lalawigan ang mga paaralang gumagamit ng makeshift classrooms, kung saan 468 bagong silid-aralan ang itinuturing na “urgent.”
Aabot sa ₱600M mula sa Special Education Fund (SEF) ang nakalaan dito.
Bahagi ito ng programang “Bulig Eskwela Sang Probinsya” na layong maghatid ng dekalidad at makabuluhang edukasyon.
Kasama rin ang pamumuhunan sa Madrasah para sa Muslim learners, Schools of Living Tradition para sa IPs, teen centers, at water systems.
Mula 2022 hanggang Hulyo 2025, gumastos na ang probinsya ng ₱355.35M mula SEF, kabilang ang 86 classrooms, 21 tent at 15 makeshift classrooms, at 25 classrooms na naayos.
Giit ni Defensor, kahit hindi devolved function ng LGU ang edukasyon, kanila pa rin itong gagawin. | via Allan Ortega
