Pumanaw sa edad na 57 ang Grammy-winning songwriter na si Brett James matapos bumagsak ang kanyang maliit na eroplano sa North Carolina.
Isa siya sa tatlong nasawi nang bumagsak ang Cirrus SR22T aircraft na nakarehistro sa kanya, matapos lumipad mula Nashville, Tennessee at bumagsak sa Macon County nitong Huwebes, alas-3 ng hapon.
Ayon sa FAA at National Transportation Safety Board, iniimbestigahan na ang insidente.
Si James ay kilala sa isinulat niyang kanta na nag-hit “Jesus, Take The Wheel” ni Carrie Underwood na nanalo ng Grammy noong 2007, nagsulat siya ng mahigit 300 kanta para sa mga sikat na artist. Isa rin siyang Nashville Songwriters Hall of Fame inductee noong 2020.
Nagpahayag ng matinding pagdadalamhati ang Nashville Songwriters Association at Hall of Fame sa kanyang biglaang pagpanaw. | via Allan Ortega
