Nagpunta sa Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes, September 19 ang kontrobersyal na kontratista na si Curlee Discaya upang humingi ng proteksyon mula sa gobyerno bilang testigo sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Dumating si Discaya sakay ng Senate van, kasama ang kanyang abogado na si Cornelio Samaniego.
Kahapon, pinatawan siya ng contempt ng Senate Blue Ribbon Committee matapos umano itong magsinungaling tungkol sa dahilan ng hindi pagdalo sa pagdinig ng kanyang asawa na si Sarah Discaya.
Matatandaang inirekomenda ni Sen. Rodante Marcoleta na bigyan ng immunity ang mag-asawang Discaya, iginiit niyang nanganganib ang kanilang buhay.
Samantala, hindi naman sumang-ayon si Justice Secretary Boying Remulla na gawing state witnesses ang mga kontratista.
Noong nakaraang linggo, inakusahan ng mag-asawang Discaya ang halos 30 miyembro ng Kamara at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tumatanggap umano ng pera mula sa mga flood control project. | via Andrea Matias
