Sinuspinde ng LTO ang lisensya ng isang opisyal ng DPWH dahil umano sa pang-aabuso laban sa isang security guard sa subdivision.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, 90-araw na preventive suspension ang ipinataw habang iniimbestigahan ang kaso.
Nag-ugat ang isyu noong Agosto 9, nang pagbawalan ang opisyal na makapasok sa subdivision. Umano’y minura niya ang guwardya, umalis, pero bumalik at ipinahuli pa ito sa pulis.
Inatasan ang opisyal na isuko agad ang lisensya bago ang nakatakdang pagdinig sa Setyembre 23. Kung hindi siya magbibigay ng paliwanag, maaari nang tuluyang bawiin ang kanyang lisensya.
Ang aksyon ng LTO ay alinsunod sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat magpakita ng tamang asal at serbisyo ang mga kawani ng gobyerno. | via Allan Ortega
