Anim na bangkay ang natagpuan sa Agusan Sur landslide

Matapos ang sunod-sunod na pagulan na nagresulta sa landslide sa Brgy. Mahayhay, San Luis, Agusan del Sur, noong Linggo nang gabi, September 14, anim na tao ang nakumpirma ng San Luis MDRRMO natabunan ng mga gumuhong malalaking bato, lupa, at putik.

Noong Lunes, September 15, ay narekober na ang katawan ni Jhon Paul Abunda, 3-years-old, at si Junard Gonzales, 24, driver ng Saddam truck. Ang isa pang biktima na hindi pinangalanan ay narekober noong Martes, September 16.

Natagpuan naman ang katawan ng lola ni Jhon na si Helen Abunda, 62-years-old, at si Daniel Cinco, 24-years-old na truck helper, kahapon, Miyerkules, September 17. Kasama rin sa mga biktima ang asawa ni Helen na si Jerry Abunda, 47.

Sinabi ni San Luis MDRRMO chief Sadat Rivera na isa na lang ang nawawalang indibidwal na si Elvin Mantipal, isang motorcycle driver na tumigil lamang upang tumulong sa pagtanggal ng mga balakid sa kalsada bago maganap ang landslide.

Samantala, nagbigay na ng immediate aid sa mga pamilya ng biktima ang Department of Social Welfare and Development in the Caraga Region (DSWD-13). | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via MDRRMO Esperanza

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *