PBBM, nag-abot ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Tondo

Dumating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Barangay 105, Happyland, Tondo, Maynila upang personal na kamustahin at magbigay ng tulong sa mga biktima ng malagim na sunog. Kasama niya sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vice Mayor Angela Lei “Chi” Atienza, at Congressman Ernix Dionisio na sya ring sumalubong sa Pangulo.

Nitong Sabado, Setyembre 13, umabot sa halos 10 oras ang apoy na tumupok sa mga kabahayan sa Happyland. Tatlo ang naiulat na sugatan habang mahigit 1,000 pamilya ang naapektuhan ng insidente.

Ilang araw matapos ang sunog, marami sa mga residente ang napilitang bumalik sa kanilang mga nasunog na tahanan matapos silang pinaalis sa paaralang nagsilbing pansamantalang evacuation center.

Nagbigay ng katiyakan si Pangulong Marcos na tututukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng ayuda at mga pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog, kabilang ang mas maayos na relokasyon at suporta para makabangon muli. | via Lorraine Dionela, D8TV News | Photo via PIA Metro Manila/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *