Posibleng magtalaga ng bagong kontratista ang pamahalaan para sa itinatayong ₱2.4-bilyong National Bureau of Investigation o NBI headquarters sa Taft Avenue, Maynila, matapos malaman na ang kumpanyang humahawak ng proyekto ay pag-aari ng pamilyang Discaya, at nang malaman na simula nang umpisahan noong 2022, pundasyon pa lamang ang naitatayo ng mga ito ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, iniimbestigahan na kung paano nakuha ng Discayas ang kontrata bago siya manungkulan. Giit niya, dapat tiyakin na ligtas at hindi substandard ang materyales:
“Baka hindi magawa ‘yong building namin, baka substandard ‘yong bakal. ‘Pag lumindol, bumagsak ‘yong building.”
Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa DPWH Secretary Vince Dizon para tukuyin ang susunod na hakbang, kabilang ang posibleng suspensyon ng konstruksyon.
Samantala, lumalawak din ang imbestigasyon ng NBI matapos matuklasan na rigged umano ang bidding ng ilang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ani Remulla, maghahain sila ng mga kaso laban sa mga sangkot: “Walang sasantuhin. We will call a spade a spade. Nobody will be spared.” | via Lorraine Dionela, D8TV News | Photo Courtesy to Boying Remulla/Facebook
#D8TVNews #D8TV
