DPWH maglalabas ng listahan ng mga ghost at substandard na proyekto

Maglalabas ang DPWH ng unang listahan ng mga ghost at substandard projects sa loob ng isa hanggang dalawang linggo sa pamamagitan ng transparency portal, ayon kay Secretary Vince Dizon.

Ang online platform ay kahalintulad ng “Isumbong Mo sa Pangulo” website para mas madaling makita ng publiko ang mga proyekto, contractors, proponents, at DPWH personnel na sangkot sa anomalya.

Nilinaw ni Dizon na dati, direkta silang nagsusumite ng reklamo sa Ombudsman, pero ngayon, ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ang hahawak at maghahain ng kaso laban sa mga sangkot.

Ang mga naunang reklamo bago mabuo ang ICI ay naisumite na, at ang mga susunod na imbestigasyon ay itutuloy at idodokumento ng komisyon para sa prosekusyon. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DPWH

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *