Air traffic controller sa France nakatulugan ang palapag na eroplano

Nakaranas ng kakaibang insidente ang Air Corsica Flight XK777 na may biyahe mula Paris papuntang Ajaccio noong Lunes, September 15. Halos isang oras nagpaikot ikot ang eroplano sa ibabaw ng Corsica dahil nakatulog ang air traffic controller na naka duty sa Ajaccio tower.

Nang palapag na sana ang Flight XK777, nakita ng piloto na walang ilaw ang runway at hindi rin sumasagot ang control tower. Kinonsidera na ng piloto na mag-divert sa Basta upang makalapag.

Sa kabutihang palad, agad na nakausap ng kapitan ang airport firefighters na nag alerto sa gendarmerie. Kinalaunan ay nagising na ng lokal na pulisya ang natutulog na controller at agad namang nakalapag ang eroplano nang walang ibang aberya.

Giit ng kapitan sa kaniyang mga pasahero, sa ilang dekada niyang nagtatrabaho bilang piloto hindi pa siya nakakaranas ng ganitong klaseng sitwasyon. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via AirNav Radar, Travel and Tour World

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *