Signal No. 1 sa Hilagang Luzon dahil sa TD ‘Mirasol’

Patuloy ang malalakas na hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 dahil sa Tropical Depression (TD) Mirasol, ayon sa PAGASA.

Matatagpuan ang bagyo 165 km kanluran ng Calayan, Cagayan, taglay ang lakas-hangin na 55 kph at bugso hanggang 70 kph. Nasa Signal No. 1 ang Batanes, Babuyan Islands, bahagi ng Cagayan, Apayao, hilagang Abra, Ilocos Norte, at hilagang bahagi ng Ilocos Sur.

Kasabay nito, magdadala rin ng malalakas na hangin ang habagat sa La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Tarlac, Pampanga, Benguet, Mimaropa, Quezon, Bicol Region, at Western Visayas. Katamtaman hanggang maalon ang dagat sa ilang baybayin, kaya pinapayuhang mag-ingat ang maliliit na sasakyang-dagat.

Inaasahang lalabas si Mirasol sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw. Samantala, pumasok na rin ang isa pang bagyo, si TD Nando, na nasa 1,225 km silangan ng Luzon. Taglay din nito ang 55 kph na hangin at bugso hanggang 70 kph, ngunit hindi ito inaasahang direktang makakaapekto sa susunod na 48 oras, bagkus ay maaaring palakasin ang habagat sa weekend. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DOST-PAGASA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *