Kinondena ng United States noong Martes ng gabi, September 16, ang water canon attack ng China sa isang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ship na nagresulta sa pagpinsala ng isang Pilipino sa Bajo de Masinloc o Scarborough.
Sa isang pahayag ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, pinuri niya ang Philippine government at ang PCG sa pagiging propesyonal sa pagpoprotekta sa mga Pilipinong mangingisda at sa pagsunod sa maritime law.
Inatake ng dalawang Chinese Coast Guard ang BRP Datu Gumbay Piang na nasa ilalim ng BFAR gamit ang mga water canon halos 14 nautical miles silangan ng Bajo de Masinloc nang halos 29 minutes, na nagresulta sa pagkabasag ng mga salamin at pagkasira ng ilang parte ng barko.
Kinumpirma ng PCG na isang BFAR personnel ang nagtamo ng mga sugat sa kanyang kaliwang tenga at iba pang parte ng katawan dahil sa bubog mula sa mga nabasag na salamin. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via PCG
#D8TVNews #D8TV
