Metro Manila Council, aprub sa street parking ban

Nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na ipagbawal ang street parking sa mga national primary roads at limitahan ito sa mga national secondary roads tuwing rush hours (7–10 a.m. at 5–8 p.m.) para maibsan ang matinding trapiko. Sa pagpupulong ng Metro Manila Council, inaprubahan nila ang MMDA Regulation No. 25-001 na nagtatakda ng malinaw na patakaran at listahan ng mga kalsadang bawal paradahan tulad ng EDSA, Roxas Blvd., Quezon Ave., Marcos Highway, at iba pa.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, malaking sanhi ng trapiko ang illegal parking kaya kailangang iayon ng mga LGU ang kani-kanilang ordinansa dito. Exempted lang ang emergency vehicles, stalled cars, at mga awtorisadong sasakyan. Bawal din ang PUV terminals sa mga national roads.

Ipapatupad ito bago magsimula ang Christmas rush, na pangangasiwaan ng bagong Swift Traffic Action Group gamit ang body cams. Paliwanag ni MMC President at San Juan Mayor Francis Zamora, may flexibility pa rin para sa LGUs kung saan puwedeng payagan ang parking basta’t hindi nakakaabala sa trapiko at emergency response. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo Courtesy to MMDA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *