Alas Pilipinas panalo sa FIVB World Championship

Alas Pilipinas gumawa ng kasaysayan matapos ang kanilang unang panalo sa FIVB Men’s World Championship, kagabi sa Mall of Asia Arena.

Bilang World No. 89, ginulat ng Pilipinas ang reigning African champion na Egypt (World No. 21) sa score na 29-27, 23-25, 25-21, 25-21.

Bida si Bryan Bagunas na kumamada ng 25 puntos, habang bumawi si Leo Ordiales sa kanyang error-prone debut at nagbigay ng 21 puntos. May 13 puntos din si Marck Espejo, kabilang ang match-clinching block, habang sina Kim Malabunga at Lloyd Josafat ay nag-ambag ng matitinding depensa.

Ito ang unang panalo at unang set win ng Pilipinas sa World Championship. Dahil dito, may apat na koponan na may 1-1 record sa Pool A. Kailangan ng Alas na talunin ang Iran sa Huwebes, 5:30 p.m., para makapasok sa susunod na yugto. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via Alas Pilipinas 2.0/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *