Pwede mo nang makita online ang birth, marriage, at death certificates, pati na rin ang CENOMAR at CENODEATH. Hindi mo na kailangang pumunta agad sa PSA main office para magpa-print.
Para makita online pumunta sa PSA Serbilis website, sagutan ang form, at magbayad ng ₱130 para sa birth/marriage/death certificate, o ₱185 para sa CENOMAR/CENODEATH. Ang bayad ay personal na gagawin sa PSA outlet ng mismong may-ari ng dokumento (o ng kamag-anak ng namatay para sa death certificate). Pagkatapos magbayad, bibigyan ka ng unique code na gagamitin para ma-view ang dokumento online.
Tandaan pang-view lang ito, hindi puwedeng i-print sa bahay.
Kung printed copy ang kailangan, may dalawang opsyon. Una Delivery, diretso sa address mo (may dagdag bayad), o DocPrint service, pwede kang magpa-print sa pinakamalapit na PSA CRS outlet sa Luzon, Visayas, o Mindanao.
Ang bagong serbisyong ito ay bahagi ng Civil Registry System–IT Project Phase II, para mas madali at mas accessible ang mga dokumento lalo na para sa mga nasa malalayong lugar. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV
