Tumataas na karahasan sa halalan

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa pagtaas ng election-related violence sa Cotabato City at Maguindanao del Sur, ayon kay Chairman George Erwin Garcia. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, binanggit ni Garcia ang pag-atake noong Pebrero 24 sa isang kandidato sa pagka-bise alkalde sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Mariing kinondena ni Garcia ang insidente, tinawag itong tahasang election-related violence. “Walang paligoy-ligoy, ito ay karahasang may kaugnayan sa halalan,” aniya.
Ayon sa Comelec, 38 lugar ang nasa “red” category sa election risk, kung saan 30 ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). – via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *