PBBM, nag-turn over ng 1099 na bahay sa Laguna

Matapos mawalan ng tirahan ang ilang pamilya dahil sa PNR South Long Haul Project. Ngayon may bago na silang maituturing na tahanan.

Kaninang umaga, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon at turnover ng 1,099 housing units sa San Pablo City, Laguna. Ang proyektong nagkakahalaga ng ₱769 milyon na siyang pinondohan ng Department of Transportation at ipinatupad ng National Housing Authority, ay nagbibigay ng tig-isang row house na may tubig at kuryente para sa bawat pamilya.

Hindi lamang bahay, kundi isang buong komunidad ang binuo, may paaralan, daycare, health center, livelihood training center, palengke, covered court, at maging tricycle terminal.

Ayon kay PBBM, ito ay sagisag ng bagong simula at dignidad para sa bawat Pilipino. Hiling niya, pangalagaan ang mga tahanan at mahalin ang komunidad. | via Ghazi Sarip, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *