ICI members, pinangalanan na

Pinangalanan na ng Malacañang nitong Sabado, September 13, ang dalawang magiging miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na mangunguna sa imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.

Itinalaga sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at SGV Country Managing Partner na si Rossana Fajardo bilang mga commissioner habang magiging special adviser at imbestigador naman ng komisyon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Nitong Lunes, September 15, inanunsyo naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bubuo sa mga miyembro na si dating Court of Appeals Presiding Justice Andy Reyes na magsisilbi bilang chairperson ng ICI.

Ang binuong komisyon ay magkakaroon ng kapangyarihan na mag-imbestiga, mag-isyu ng subpoena at magrekomenda ng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo sa mga umano’y sangkot sa katiwalian sa nakaraang 10 taon sa mga proyekto ng DPWH. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via RTVM

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *