Isang aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naaresto sa pagbebenta ng loose firearms sa San Simon, Pampanga noong Linggo, September 14.
Nagsagawa ng isang buy-bust operation ang Pampanga Provincial Field Unit kasama ang San Simon Municipal Police Station, at dito nakilala si alias “Ray” na nakatalaga sa Coast Guard Station (CGS) sa Manila.


Nahuli si alias “Ray” na nagbenta ng 5.56 caliber na rifle at nasabat din ang isa pang 9mm na pistol sa kanya.
Ayon kay CIDG acting chief Maj. Gen. Robert Alexander Morico II na ang modus operandi ng suspek ay makipag-trade ng alleged loose firearms sa online platforms.
Ang suspek ay dati na ring nakasuhan ng National Prosecution Service for Violating Section 32 Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms) of Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via PNP-CIDG
#D8TVNews #D8TV
