Ricky Hatton, dating kampeon sa boxing, pumanaw sa edad na 46

Pumanaw na ang dating world champion British boxer na si Ricky Hatton, sa edad na 46 years old, natagpuan ang kanyang katawan sa bahay sa Hyde, northwest England nitong Linggo bandang 6:45 a.m. (05:45 GMT).

Ayon sa Greater Manchester Police, hindi itinuturing na kahina-hinala ang kanyang pagkamatay.

Noong dalawang buwan bago siya pumanaw, inihayag pa ni Hatton ang balak na bumalik sa ring 13 taon matapos magretiro.

Ininduct siya sa International Boxing Hall of Fame noong 2024. Sa propesyonal na karera nagtala siya ng 45 panalo, 3 talo, at 32 knockouts, kabilang ang malalaking panalo laban kina Kostya Tszyu at Luis Castillo. Huling lumaban siya noong Nobyembre 2012 at talo kay Vyacheslav Senchenko. Kabilang sa kanyang mga natalong laban sina Manny Pacquiao noong Mayo 2009 at Floyd Mayweather Jr. noong Disyembre 2007.

Inulat din ang matagal niyang pakikibaka sa alkohol at droga sinabi niyang ang pagkatalo kay Pacquiao ang nag-udyok sa kanya ng malalim na depresyon at pag-iisip ng suicide. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *