Japan muling tiniyak ang suporta sa pagpapaunlad ng imprastruktura ng Pilipinas

Nagpatibay muli ang Japan ng suporta nito sa infrastructure agenda ng Pilipinas, kabilang ang pondo para sa malalaking proyekto tulad ng San Juanico Bridge 2, Parañaque Spillway, at pasilidad ng Philippine Coast Guard sa Subic. Layunin nitong mapabuti ang konektividad, kaligtasan, at kabuhayan ng mga Pilipino.

Sa pulong sa Osaka noong Setyembre 11, pinangunahan ni Finance Sec. Ralph Recto ang delegasyong Pilipino na nakipagpulong sa mga opisyal ng gobyerno ng Japan. Tinalakay dito ang progreso ng mga kasalukuyan at nakatakdang proyekto tulad ng North-South Commuter Railway, MRT-3 Rehabilitation, at Metro Manila Bridges Seismic Improvement.

Ayon kay Recto, sisiguraduhin ng Pilipinas na bawat yen at piso mula sa Japan ay gagamitin nang wasto at may transparency.

Sa ngayon, nananatiling pinakamalaking ODA partner ng Pilipinas ang Japan, na may higit P805.76 bilyong halaga ng commitments o 39.15% ng kabuuang foreign aid portfolio. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DOF/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *