Inanunsyo ng pamahalaan ng Estados Unidos nitong Setyembre 12 ang ₱13.8 bilyon ($250 milyon) na bagong foreign assistance para palakasin ang health system ng Pilipinas at mas mapabilis ang pagtuklas at pagtugon sa mga sakit.
Ayon sa US Embassy, susuportahan ng pondo ang mga prayoridad gaya ng TB control, kalusugan ng ina at bata, global health security, at pagpapalakas ng supply chain, data systems, at laboratories.
Sinabi ni US Ambassador MaryKay Carlson na patunay ito ng matibay na suporta ng Amerika sa kalusugan ng mga Pilipino.
Sa kabuuan, higit ₱17 bilyon ($313 milyon) na ang naipangakong bagong tulong ng US sa bansa, kabilang ang ₱3 bilyon para sa energy resilience, laban sa illegal fishing, at sa Luzon Economic Corridor.
Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio, Pilipinas ang unang makikinabang sa bagong patakaran ng US foreign aid. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via AFP/Andrew Caballero-Reynolds
#D8TVNews #D8TV
