Kinumpirma ng abogadong si Atty. Ferdinand Topacio na pinayagan ng Manila RTC Branch 12 ang hiling ni dating Negros Oriental Third District Rep. Arnie Teves na makapagpiyansa.
Ito ay kaugnay sa kasong murder na isinampa kay Teves noong 2019.
Ayon sa inilabas na resolusyon ng korte, piyansang ₱120,000 ang kapalit ng pansamantalang kalayaan ng dating kongresista.
Samantala, sinabi pa ni Topacio na may nakabinbin pang dalawang bail petition si Teves pero ito ay mahihinang kaso dahil ito ay politically motivated lamang.
Ang nasabing kaso ay iba pa sa kinakaharap ng dating kongresista na umano’y pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pa noong 2023. | via Alegria Galimba, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
