Matapos mabatikos ng netizens ang kanyang naunang social media post tungkol sa akusasyon laban sa kanyang asawa na si Congressman Arjo Atayde kaugnay ng maanomalyang flood control projects, nagpahayag muli ang host at artista sa kanyang Facebook post.
Inamin ni Mendoza na ang kanyang inisyal na reaksyon patungkol sa isyu ay naging impormal sapagkat kinailangan niya umanong magsalita at depensahan ang asawa laban sa mga umano’y pagkadawit nito.
Iginiit ni Mendoza na kahit masakit ang pambabatikos na kanilang natatanggap ay inaamin niyang wala silang kinukupit sa buwis ng taumbayan at sila rin mismo ay tapat na nagbabayad ng buwis.
Dagdag pa niya na hindi niya tatanggapin ang mga akusasyon laban sa kanyang asawa dahil hindi raw gano’n ang kanilang pamumuhay. Bukod pa rito ay sinabi ni Mendoza na kung mapatunayan man na may kinalaman si Atayde sa nasabing isyu, hinding-hindi niya ito pagtatakpan. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via Maine Mendoza/Facebook
#D8TVNews #D8TV
