Nasabat ang halos kalahating kilo ng shabu sa isang buy-bust operation sa Marawi City.
Sa bisa ng buy-bust operation ng PDEA Lanao del Sur at iba’t ibang law enforcement units, dalawang high-value target ang nahuli sa Brgy. Sarimanok nitong Setyembre a-10.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang malaking pakete ng shabu na may timbang na mahigit 500 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱3.4 milyon kasama na rito ang buy-bust money, cellphone, at iba pang gamit ng mga akusado.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Anji, 50-anyos, at alyas Noraida, 43-anyos, kapwa residente ng Saguiaran, Lanao del Sur.
Sa ngayon, nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa pakikiisa ng publiko laban sa ilegal na droga. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PDEA
#D8TVNews #D8TV
