Napigilan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tangkang pagpupuslit ng limang toneladang shabu, na nagkakahalaga ng P34 bilyon, sakay ng isang barko papasok sa Pilipinas. Ayon sa PCG, na-track nila ang naturang barko sa labas ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, malapit sa Mindoro, matapos makatanggap ng intelligence report mula sa kanilang foreign counterparts.
Sa kabila ng masungit na panahon, ginamit ng PCG ang kanilang maritime assets upang hadlangan at itaboy ang barko palayo sa teritoryo ng Pilipinas. Hindi pa inilalabas ang detalye tungkol sa barko at kung saan ito nagmula. – via Allan Ortega | Photo via PDEA
PCG at PDEA Napigilan ang pagpasok ng 5 toneladang shabu sa Pilipinas
