‘Kamote’ riders, hindi na kasali sa Zero Balance Billing

Hindi na isasama ng Department of Health (DOH) ang mga pasaway na lalabag sa batas-trapiko sa Zero Balance Billing Program ng pamahalaan.

Ito ang inanunsyo ni DOH Secretary Ted Herbosa sa United Nations Press Conference on Road Safety nitong Huwebes, September 11 sa Mandaluyong City.

Ayon kay Herbosa, hindi na makikinabang sa Zero Balance Billing ng pamahalaan ang mga motoristang maa-admit sa DOH hospitals na lumabag sa anumang batas-trapiko.

Partikular niyang binanggit ang hindi pagsusuot ng helmet, seatbelt at mga nakainom ng alak.

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na makakakuha ng full coverage ng programa ang mga biktima ng pasaway na motorista. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *