Tatlong high-powered firearms ang nasabat ng troops mula sa 36th Infantry Battalion at ilang units mula sa 901st Infantry Brigade sa isang operasyon na isinagawa sa Hinapuyan, Carmen, Surigao del Sur noong Wednesday, September 10.
Sinabi ni 901Bde Acting Brigade Commander Col. Darius Resuello na kama sa tatlong nasabat na armas ang dalawang M16 rifles at isang AK-47 na rifle.
Naging posible ang operasyong ito nang dahil sa impormasyon na nanggaling mula sa dalawang dating New People’s Army (NPA) members na dating sumuko sa magkaibang okasyon sa 36IB. Kinilala ang dalawang miyembro na si alias “Rem” at alias “Jelo”. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via 901st Infantry Brigade
#D8TVNews #D8TV
