DPWH, nagsampa ng kaso vs DPWH officials at contractors

Pormal nang isinampa ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Ombudsman ang unang batch ng mga kasong anti-graft and corrupt practices act at malversation of public funds laban sa mga opisyal at kawani ng ahensya sa Bulacan 1st District Engineering Office.

Kabilang sa kanyang mga kinasuhan ay sina District Engineer (DE) Henry Alcantara at Assistant DE Brice Hernandez na kasalukuyang nasa imbestigasyon ng umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.

Mahaharap din sa kaso ang mga kompanya at may-ari ng Wawao Builders, Syms Construction Trading, St. Timothy Construction Corporation, at IM Construction Corporation.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pananagutin ang mga umano’y sangkot sa anumang katiwalian sa proyekto ng DPWH. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via DPWH

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *