SP Sotto, ‘di aprub sa hiling na WPP ng mga Discaya

Hindi pinirmahan ni Senate President Tito Sotto ang hiling ni Sen. Rodante Marcoleta sa Department of Justice (DOJ) para sa mga contractor na sina Curlee at Sarah Discaya na isailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Noong September 8 nang ibalangkas ni Marcoleta ang liham, panahon na siya pa ang nakaupong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee matapos ibunyag ng mag-asawang Discaya ang ilang mambabatas at opisyal ng pamahalaan na umano’y nakinabang sa kickback mula sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Sotto, para maging state witness ay kinakailangan munang maibalik ang mga umano’y ninakaw at magsabi ng totoo dahil magkaiba umano ang sinasabi ng mag-asawa sa pagdinig ng Senado at Kamara.

Iginiit pa nito na ‘unfair’ sa mga Pilipino ang pagiging state witness ng mag-asawa dahil sa laki ng kickback na kanilang nakuha mula sa mga proyekto ng pamahalaan. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *