ACDFM, nakiisa ang opisyal ng Pilipinas

Isang matagumpay pagpupulong ng militar ang ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia kabilang sa mga dumalo ang pinakamataas na opisyal ng ating Sandatahang Lakas.

Si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na kasama sa 22nd ASEAN Chiefs of Defence Forces Meeting o ACDFM.

Tinalakay ng mga defense chief mula sa ASEAN, kabilang ang Timor Leste, ang tumitinding banta sa seguridad ng rehiyon, mula sa agawan sa teritoryo at tensyon sa karagatan.

Ani Gen. Brawner hindi ang maaaring matinag ang Pilipinas sa anumang pananakot.

Kasama pa sa mga tinalakay ang ASEAN Code of Conduct na inaasahang matatapos sa 2026, habang Pilipinas ang magiging tagapangulo ng ASEAN. Nariyan din ang planong ASEAN Combined Task Force at joint military exercise.

Ngayong araw rin isinagawa ang ceremonial turnover ng ACDFM Chairmanship sa Pilipinas. Sa Mayo 2026, ang Pilipinas na ang magho-host ng susunod na ASEAN defense meeting. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via AFP

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *