BI, pina-deport ang 6 na Hapon na sangkot sa sindikato ng krimen

Anim na Japanese nationals na miyembro umano ng kilalang sindikatong kriminal na JP Dragon ang ipina-deport ng Bureau of Immigration kahapon.

Kinilala sila bilang sina Hiraki Ishikawa, Tsubasa Amano, Akira Sambonchiku, Naoto Matsumoto, Rintaro Yamane, at Masato Morihiro. Sila’y inaresto noong Mayo 21 sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Maynila, at kahapon ng umaga ay lumipad pabalik ng Tokyo sakay ng Japan Airlines mula NAIA Terminal 1.

Ayon sa mga awtoridad ng Japan, sangkot ang grupo sa malawakang panloloko, partikular sa mga nakatatanda, gamit ang pagpapanggap bilang mga opisyal upang makuha ang malaking halaga ng pera.

Limang miyembro ang may warrant of arrest sa Fukuoka dahil sa kasong pagnanakaw, habang si Matsumoto naman ay overstaying alien.

Giit ng BI, ang deportasyon ay patunay na hindi kukunsintihin ng Pilipinas ang mga dayuhang sindikato na nananamantala at lumalabag sa batas. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo Courtesy of BI

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *