Mga sangkot sa missing sabungeros, pina-subpoena ng DOJ

Inilabas na ng Department of Justice (DOJ) ang subpoena para kina Atong Ang, Gretchen Barretto at 60 iba pa na may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kabilang din sa mga pina-subpoena sina dating NCRPO Chief Jonnel Estomo, 18 pulis at maging ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan at kapatid nitong si Elakim.

Ito ay bahagi ng preliminary investigation sa mga kasong multiple murder, kidnapping with serious illegal detention at iba pa na isinampa ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Nakatakda naman ang unang pagdinig sa Martes, September 16.

Matatandaan na una nang itinanggi ng mga malalaking personalidad tulad nina Ang at Barreto ang alegasyong sangkot sila sa pagkawala ng mga sabungero. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *