Mabilis na naaprubahan sa Senado ang panukalang ₱27.3 bilyong pondo ng Office of the President para sa susunod na taon.
Sa loob lamang ng halos 30 minuto, inirekomenda ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang pagtatapos ng deliberasyon, alinsunod umano sa tradisyon.
Agad itong sinang-ayunan ni Senator Erwin Tulfo at walang tumutol mula sa iba pang senador, kaya’t pinagtibay ni Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian ang mosyon.
Samantala, ipinaliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang hinihinging pondo ng OP ay ang nakalaan para sa regular na mga programa, at karagdagang pondo para sa paghahanda ng bansa bilang host ng 2026 ASEAN Summit. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via Senate PH
#D8TVNews #D8TV
