Hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang nalalapit na ika-animnapu’t walong kaarawan sa September 13 ang patuloy na tagumpay ng mga programa ng gobyerno at ang napapanahong pagkumpleto ng mahahalagang proyekto sa buong Pilipinas.
Umaasa rin siya na ang mga inisyatiba na hindi matatapos sa kanyang termino ay maipagpapatuloy ng susunod na administrasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad.
Ipinagmamalaki rin ni PBBM ang positibong takbo ng ekonomiya at ang tumataas na respeto ng ibang bansa sa Pilipinas at sa mga Pilipino. | via Andrea Matias, D8TV News | Photo via PBBM/Facebook
#D8TVNews #D8TV
