Unemployment rate umakyat sa 5.3% nitong Hulyo 2025 — PSA

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules, Setyembre 10, 2025, na pumalo sa 5.3% ang unemployment rate ng bansa nitong Hulyo.

Mas mataas ito kumpara sa 4.7% na naitala sa kaparehong buwan noong 2024, na nagpapakita ng pagdami ng mga Pilipinong walang trabaho.

Ayon sa PSA, patuloy nilang babantayan ang galaw ng labor market at maglalabas ng mas detalyadong datos kaugnay nito sa mga susunod na araw. | via Lorraine Dionela, D8TV News | Photo via D8TV

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *