Tuminding muli ang tensyon sa Gitnang Silangan! Isang airstrike mula sa Israel ang tumama sa Doha, Qatar, na target umano ang mga lider ng Hamas.
Dahil dito, nagbabala ang Philippine Embassy sa Qatar sa mga Pilipino manatili sa loob ng kanilang tahanan at umiwas muna sa matataong lugar.
Kinumpirma mismo ng Qatari Ministry of Foreign Affairs na ang residential buildings ng Hamas Political Bureau ang tinamaan. Mariin nila itong kinondena bilang “cowardly attack” at paglabag sa international law.
Gayunpaman, tiniyak ng Qatari Ministry of Interior na ligtas na ang sitwasyon at dapat lamang kumuha ng impormasyon sa mga opisyal na source.
Samantala, inamin ng Israel Defense Forces ang operasyon at iginiit na “precise strike” ito laban sa Hamas leaders, sa pamamagitan ng teknolohiya para maiwasan ang pinsala sa sibilyan.
Para sa mga kababayan sa Qatar, panatiliging naging alerto, at laging makinig sa opisyal na abiso. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via Reuters
#D8TVNews #D8TV
