Mga grupong nag-vandalize sa St. Gerrard Bldg., planong sampahan ng kaso

Pinag-aaralan na ngayon ng pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang progresibong grupo matapos ang tensyonadong kilos-protesta.

Sa loob ng St. Gerrard Construction Compound ng pamilyang Discaya, inulan ng putik at vandalism ang gate at pader ng gusali. Wala raw sapat na permit ang naturang pagkilos.

Ayon kay Pasig City Police Chief PCol. Hendrix Mangaldan, malinaw itong paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985.

Kasabay nito, tiniyak ng pulisya ang maximum tolerance at respeto sa karapatang magpahayag, pero handa rin ang PNP sa mas mahigpit na deployment kung mauulit pa ang ganitong kilos-protesta.

Sa ngayon, dumadaan na sa deliberasyon ang mga dokumento para sa reklamong isasampa laban sa mga raliyista at organizer ng protesta. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *