Apat na bagong coaches ang sumabak sa una nilang hamon sa naganap na Rookie Draft kamakailan.
Sa 122 aplikante, ipinakita nina Ronald Tubid ng Terrafirma, Dennis “Delta” Pineda ng Converge, Willy Wilson ng Phoenix, at LA Tenorio ng Magnolia ang kanilang husay sa pagpili.
Pinili ni Tubid ang 6-foot-9 center na si Geo Chiu bilang No. 1 pick, habang siniguro ni Pineda si Juan Gomez de Liaño sa No. 2 pick matapos makipagpalitan ng draft rights.
Jackpot naman si Wilson sa 8th pick sa dating NCAA MVP Will Gozum, at hindi nagpahuli si Tenorio sa 6th pick nang masikwat si Yukien Andrada ng San Beda.
Tig-siyam ang rookies nina Tubid at Pineda, lima kay Wilson, at tatlo kay Tenorio.
Pormal na ring pinalitan ng mga bagong coaches ang kanilang mga predecessors para sa season na ituturing na makasaysayan, ang golden anniversary ng PBA.
Samantala, ang TNT Tropang 5G, pumirma ng one-year deal kay Kevin Ferrer at nag-extend ng kontrata kay Mike Nieto.
Matapos mabigo sa Grand Slam noong Season 49, muling magtatangka ang Tropang Giga ngayong Season 50.
Bagong mukha sa coaching, bagong pag-asa para sa kani-kanilang koponan at tiyak na mas mainit na PBA Season 50. | via Ghazi Sarip
