Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Dinagat Islands nitong Martes, September 9.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang tectonic earthquake nang 2:52 AM at may 125 km ang lalim.
Naapektuhan ng Intensity II na lindol ang City of Surigao, Surigao del Norte, Abuyog, Leyte; Sogod and Hinundayan, at Southern Leyte.
Intensity I naman sa City of Cabadbaran, Agusan del Norte; City of Borongan, Eastern Samar; Hilongos and Dulag, Leyte; Palapag, at Northern Samar.
Sinabi rin ng PHIVOLCS na wala namang posibilidad ng pinsala ngunit asahan pa rin ang aftershocks.
