Nagbayad na sa unang pagkakataon ang PhilHealth sa ilalim ng programang Guaranteed Access to Medicines and Outpatient Treatment (GAMOT).
Ang bayad ay ibinigay sa CGD Medical Depot Inc. sa Ayala Malls Vertis North, isang accredited na botika ng PhilHealth.
Ang GAMOT ay bagong dagdag sa YAKAP primary care package, na layong palawakin ang access ng mga Pilipino sa abot-kayang gamot. Dati 21 lang ang sakop na gamot, ngayon ay 75 essential medicines na para sa mga sakit gaya ng impeksyon, hika, COPD, diabetes, high cholesterol, altapresyon, sakit sa puso, at iba pa.
Suporta ito sa panawagan ni PBBM sa kanyang SONA na gawing mas mura at accessible ang gamot sa bansa.
Makukuha ang mga ito sa mga FDA-licensed pharmacies na accredited bilang GAMOT facilities.
Mga miyembro ng PhilHealth ay kailangang mag-register sa eGovPH app, pumili ng YAKAP Clinic, at mag-schedule ng First Patient Encounter (FPE) para makinabang.
Sa ngayon, may 41 operational GAMOT facilities sa NCR at inaasahang madadagdagan pa. Maaari ring tingnan ang listahan ng accredited outlets sa PhilHealth website. | via Allan Ortega
