Naudlot ang nakatakdang confirmation of charges hearing ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na unang itinakda ng September 23.
Bunsod ito ng paghiling ng kampo ni Duterte ng adjournment ang kampo ni Duterte, dahil wala raw sa kundisyon ang dating pangulo para humarap sa paglilitis. Wala pang inilalabas na bagong petsa kung kailan muling itutuloy ang pagdinig.
Layunin ng nasabing hearing na alamin kung may sapat na ebidensya para patunayang may basehan ang mga kasong isinampa laban kay Duterte.
Kinasuhan ang dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ICC ng murder bilang crime against humanity dahil sa umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang giyera kontra droga, na ikinasawi ng libu-libong tao. By D8TV News-Andres Bonifacio Jr
