PH, Cambodia, mas pinatibay ang ugnayan

Nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Cambodian Prime Minister Hun Manet upang pagtibayin ang seguridad, edukasyon, at pagpapalawig ng air connectivity sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.

Kabilang sa mga kasunduang pinirmahan ang mas pinaigting na kooperasyon ng pulisya laban sa mga krimen tulad ng human trafficking at cybercrime.

Ang ikalawa ay ang kasunduan sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Ministry of Education, Youth, and Sport ng Cambodia.

Ikatlo, pinirmahan ang bagong Air Services Agreement para sa mas malawak na flight at code-sharing ng mga airline ng dalawang bansa.

Ayon kay PBBM, patunay ang mga kasunduang ito sa mas malalim na ugnayan ng Pilipinas at Cambodia, hindi lamang sa seguridad kundi pati sa edukasyon at transportasyon.

Ito ang unang state visit ng isang pangulo ng Pilipinas sa Cambodia matapos ang halos siyam na taon. | via Andrea Matias, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *