Nanumpa na bilang bagong Senate President si dating Senate Minority Leader Vicente Sotto III bilang kapalit ni Senator Francis Escudero.
Ito ay matapos siyang makakuha ng 15 lagda mula sa iba pang senador para palitan si Escudero.
Si Sotto ay dati nang umupo bilang Senate president noong May 2018 hanggang June 2022.
Kasabay nito, itinalaga naman si Senator Ping Lacson bilang Senate President Pro Tempore habang uupo naman bilang Senate majority leader si Senator Juan Miguel Zubiri.
Samantala, si Escudero ay bubuo ng bagong minorya kasama ang Duterte bloc na kinabibilangan nina Senators Bato dela Rosa, Bong Go, Imee Marcos, at Robin Padilla. | via Alegria Galimba, D8TV News
#D8TVNews #D8TV